METRO MANILA – Inihain ni OFW Party-list Representative Marissa Del Mar Magsino ang House Resolution Number 1615 upang imbestigahan ng komite sa kamara ang mga isyung kinakaharap ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Partikular na ang ulat ng mga peste at mabigat na daloy ng trapiko sa complex at mga kalapit-lugar ng paliparan.
Gayundin ang mahabang pila ng mga pasahero sa immigration checking counters.
Ayon sa mambabatas, nakaapekto na ito sa kalusugan at kaalwanan ng mga bumibiyaheng pasahero.
Binibigyang-diin sa resolusyon ang mga nakakababahalang isyu sa NAIA na nakaapekto sa reputasyon ng bansa.
Tags: NAIA