Isyu ng mga bagong grupo at labanan sa chairmanships, lumulutang na sa senado

by Erika Endraca | May 29, 2019 (Wednesday) | 10882

Manila, Philippines – Nabubuo na ang mga panibagong grupo sa senado at ang usapin sa mga mamumuno sa mga komite habang papalapit na ang pagtatapos ng 17th Congress.

Hindi nababahala si Senate President Vicente Sotto III sa paglutang ng Hugpong ng Pagbabgo-PDP Bloc sa senado.

Sa ngayon ayon sa senate president, nananatili pa rin ang suporta ng mayorya ng mga senador sa kaniyang liderato.

“Well I know for a fact i have the support of atleast about 15 or 16” ani si Senate President Vicente Sotto III.

Naniniwala si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na walang usapin ngayon sa pagpapalit ng liderato kundi ang isyu ay hahawak sa mga komite.

“I think the hnp (hugpong ng pagbabago) bloc we will respect them, i think they are organizing for committee, i think its battle between committees” ani Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Inamin naman ni Senator Manny Pacquaio na may hindi unawaan sa mga nagnanais na maging lider ng komite partikular na ang mga baguhang senador.

 “Yung gusto nilang committee, hawak din ng kasama natin na incumbent so mahirap naman siyempre parang insulto kung hindi naman ibibigay ang komite, may insulto naman sa senador na kasama din naman natin” ani Senator Manny Pacquaio.

Sa magiging bagong komposisyon ng senado sa 18th Congress 4 ang lumalabas na posibleng magiging grupo.

Una na rito ang naiuulat na Hugpong ng Pagbabago-PDP Bloc na pinangungunahan ng mga bagong halal at re-electionist senators.

Pangalawa ang macho bloc na may apat na miyembro kabilang na sina senator Sotto, Lacson, Poe at Lapid.

Seatmates bloc sina senators Zubiri, Gordon, Angara, Gatchalian, Binay at Villanueva. At pang-4 ay magmumula sa minority bloc.

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: , ,