Isang pamilya sa Indonesia, namumuhay na kasama sa bahay ang matabang buwaya sa loob ng 20 years

by Radyo La Verdad | February 7, 2018 (Wednesday) | 6081

Napakarami sa atin ang takot man lang lumapit sa buwaya, ngunit isang buwaya sa Indonesia ang  nakatira sa isang bahay  kasama ang isang pamilya na nagaalaga sa kanya.

Toang 1997 nang makita ni Muhammad Iwan, 41 year old, ang isang baby crocodile na may sukat na 25 cm na pinaglalaruan ng mga bata. Dahil gusto niyang makuha ang buwaya, binili niya ito sa isang mangingisda na nakahuli rito sa halagang 1.8 dollars at simula noon ay inalagaan niya ang buwaya sa bahay nila at pinangalanan niya itong Kojek.

Mabils na lumipas ang dawampung taon, isa ng dambuhala at matabang buwaya na ngayon si Kojek na may timbang na 200 kilo grams at may habang 8 feet, ngunit ayon kay Muhammad, napakabait umano ng alaga niya. Ni minsan hindi sila nito sinaktan dahil paboritong libangan ni Kojek the crocodile ang makipag interact sa mga tao.

Sumikat sa Indonesia si Kojek sa social media dahil nagkalat ang mga pictures nito. Kaya sa ngayon, dinudumog ang bahay ni Muhamad ng mga turista mula Australia, America at Europe. Lahat sila ay sinasamantala ang panahon na magpapicture kay Kojek.

Ayon sa may-ari sa buwaya, mukhang beast na nakakatakot ang kanyang pet pero mabait talaga ito sa mga tao. At tingin niya, itinuturing siya ng buwaya bilang isang ama.

Dagdag pa niya, pinapaliguan niya si Kojek isang beses sa isang linggo. Binibigyan  niya rin ito ng skin care at nag-eenjoy siyang  linisin ng sipilyo ang matatalim nitong ngipin.

Tags: , ,