Sumasailalim ngayon sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office ang isa sa mga suspek sa kasong estafa matapos itong madakip ng NBI-Environmental Crime Division sa isang entrapment operation.
Ayon sa salaysay ng babaeng nagsampa ng kasong estafa, January 2019 nang magsimula siyang makipagugnayan sa mga akusado na sina Woody Nuarin and Antonette Nuarin, mag-aasawa, upang makabili ng isang condominium unit sa Magnolia Place, Tandang Sora Quezon City na pag-aari di-umano ng mga suspek sa halagang P2M makaraan ang 2 buwan ay hindi natupad ang usapan ng 2 partido dahil nasa abroad umano ang mag-asawa kaya’t di mapipirmahan ang kaukulang dokumento upang maka-lipat na sa condo unit ang complainant-buyer.
Matapos ang pangyayari, muling inoperan ng mga suspek ng condominium unit sa Mezza II Residences sa Manila sa mas mataas na halaga kapalit ng naunang unit at nag-demand ang mga ito ng additional payment na Php 200,000 at Php 63,000 na siya namang binayaran ng kliyente ngunit muling nabigo ang mag-asawa sa kanilang obligasyon.
Sa ikatlong pagkakataon ay nakipagkita ang complainant sa mag-asawa at muling nag-offer sa kanya ang mga ito ng Php 300, 000 worth na condo unit sa Capital Towers- Federal Land sa E. Rodriguez, Quezon City at nangako ang mga itong malilipatan kaagad ng buyer ang unit matapos ang labinlimang araw.
Dahil sa pagkadismaya ay pumunta ang biktima sa tanggapan ng NBI-EnCD upang mag-file ng estafa at noong ika-19 ng Nobyembre na siyang araw na nagpakasunduan ng dalawang panig, nadakip sa isang entrapment operation ang male suspect.
Narecover din mula sa akusado ang boodle money ngunit kasalukuyan paring pinaghahanap ng mga otoridad si Mrs. Nuarin na wala sa pinang-yarihan ng operasyon. Kinakaharap ngayon ng mga suspek ang kasong estafa ayon sa Article 315 par. 2(a) ng Revised Penal Code.
(April Jan Bustarga | La Verdad Correspondent)
Tags: NBI