Isang ina sa Mauban, Quezon ang makakapagsimula na ng kanyang hanapbuhay sa tulong ng Serbisyong Bayanihan

by Erika Endraca | December 15, 2020 (Tuesday) | 4806

METRO MANILA – Isa si nanay Lilia Cecillano sa apat na napaligaya ng Serbisyong Bayanihan sa pandagdag puhunang ipinagkaloob sa kanya ng UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon kahapon, December 14,2020.

Si nanay Lilia ay nakatira sa kaniyang tindahan, walang asawa at nagiisa lamang sa buhay, at isa siya sa inaasahan ng kaniyang mga kapatid at pamangkin na apektado rin ng pandemya.

Personal na pinadala ng UNTV News and Rescue ang mga paninda para sa maliit na tindahan ni nanay Lilia. Noong lockdown ay tuluyang naubos ang puhunan at paninda niya kaya naman laking pasasalamat nito sa natanggap na tulong.

Ang nasabing tulong ay ibinigay ng UNTV Serbisyong Bayanihan sa tulong ng MCGI Auckland, New Zealand.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)

Tags: