Isang Grade 11 student sa Sta. Rosa, Laguna, hindi na nakaliliban sa klase dahil sa kaloob na tablet ng Wish 107.5 at Serbisyong Bayanihan

by Erika Endraca | November 27, 2020 (Friday) | 3083

Naitampok sa programang Serbisyong Bayanihan ang isang Grade 11 student na si Christine Pelingon na nag-aaral ngayon sa Pulong Santa Cruz National High School sa Santa Rosa Laguna.

Ito ay matapos siyang mabahaginan ng tulong sa pamamagitan ng ibinigay na tablet ng Wish 107.5 at ng programang Serbisyong Bayanihan na kanya ngayong nagagamit sa kanyang pag-aaral online.

Gaya sa kalagayan ng nakakarami ay wala siyang sariling gadget na magagamit sa pag-attend ng kanilang online class na siyang dahilan sa pagliban niya sa kanilang klase at hindi nakakaattend sa mga online event ng kanilang paaralan.

Ngayon ay hindi niya na iisipin kung paano makakahabol sa mga leksyon. Bilang regalo at pasasalamat niya sa ika-37 anibersaryo ni Kuya Daniel Razon sa serbisyong publiko ay ipinapangako niya na pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral nang sa gayon ay matupad niya ang kanyang pangarap na matulungan ang kanyang mga magulang at maging isang ganap na doktor balang araw.

(Joram Flores | La Verdad Correspondent)

Tags: