Isang “Duterte”, naghahangad na maging kinatawan ng California sa U.S. Congress

by Radyo La Verdad | September 22, 2017 (Friday) | 3032

Pilipino ang mga magulang pero sa Amerika na ipinanganak at lumaki si Edwin Duterte.

Hindi tiyak ni Edwin kung may kaugnayan siya kay Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t tubong Cebu ang kaniyang mga magulang.

Ang ama ni Pangulong Rodrigo Duterte  na si Vicente ay ipinanganak sa Danao City Cebu.

Target ngayon ni Edwin na maging kinatawan ng California sa U.S. Congress. Pangarap niyang pagkaisahin ang iba’t-ibang partido upang magkaroon ng mas maayos na sistema sa pamahalaan at makalikha ng mas magandang trabaho para sa mamamayan.

Sasabak si Duterte sa primary election sa California sa June 2018, at upang umabante sa general elections kinakailangang niyang makasama sa top 2 spot.

Kinakailangan aniya ng representasyon ng mga pinoy sa  U.S. Government upang magkaroon ng proteksyon at benepisyo ang mga Pilipino dito.

Ayon pa kay Duterte, bukod sa nais niyang malaman ang direktang relasyon nila ng Pangulo, ibinunyag din niya ang planong bumisita sa Pilipinas sa mga susunod na buwan, at tumulong sa isang investment para sa renewable energy.

 

( Aloy Calingasan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,