Abot beywang pa ang tubig baha sa sa Sitio Pulo at Sitio Kamatsile sa Barangay Dela Paz sa Biñan, Laguna bunsod ng mga pag-ulan na pinalakas pa ng habagat.
Dahil dito, pitong pamilya pa rin ang nanatili sa evacuation center sa Dela Paz kahit ilang araw ng tumigil ang mga pag-ulan.
Ayon sa mga evacuees, mataas pa rin ang tubig sa kanilang mga bahay kaya ayaw pa nilang umuwi, hanggang tuhod na baha naman ang nararanasan sa Sitio Almeda.
Gumagamit na ng mga bangka ang ilang mga residente sa lugar bilang kanilang transportasyon.
Ayon sa mga residente, tumatagal ng tatlo hanggang apat na buwan bago tuluyang humupa ang tubig baha sa kanilang lugar.
Naghahanda na ang Barangay Dela Paz upang humiling ng state of calamity sa munisipyo.
Umaasa ang mga residente sa Brgy. Dela Paz na masosolusyunan na ang taon-taong pagbaha na kanilang nararanasan sa kanilang barangay.
( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )
Tags: baha, Biñan Laguna, state of calamity