Kinumpirma ng NBI na nagpositibo sa illegal na droga ang isa sa mga biktimang namatay sa concert sa Pasay City.
Ayon sa NBI, pinayagan sila ng pamilya ng isa sa dalawang biktima na ilabas ang resulta ng ginawang pagsusuri sa bangkay ng mga biktima.
Ngunit hindi pinasasabi ang pangalan at kasarian nito.
Ang Mdma Methylene Homolog ay ingredient sa paggawa ng ecstasy.
Tumutugma ito sa nakumpiskang droga sa isa sa mga naarestong suspek na nagbenta ng illegal na droga sa concert.
Parehong stimulant ang dalawang substance at nagdudulot ito ng pagtaas ng blood pressure at pintig ng puso.
Una nang inihayag ng nbi na namatay sa atake sa puso ang dalawang biktima na isinailalim nila sa autopsy.
Bibigyan ng kopya ng toxicology report ang mga imbestigador upang magamit na ebidensiya.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: concert sa Pasay City, illegal na droga, Isa sa limang namatay, NBI