Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isa na namang Overseas Filipino Worker mula sa Saudi Arabia ang nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-COV.
Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose ang pasyente ay isang 41-anyos na lalaki at nagtatrabaho bilang X-ray technichian sa isang ospital sa Riyadh.
Sa ngayon ay sumasailalim na sa gamutan ang naturang pasyente sa isang ospital na eksperto sa pangagamot sa MERS-COV.
Napag-alamang nahawa ang OFW , sa mga pasyenteng tinamaan ng C sa ospital na kaniyang pinagta-trabahuhan. ( Joan Nano , UNTV News Worldwide )
Tags: Charles Jose, DFA, MERS-COV, OFW