Isa na namang OFW sa Saudi, nagpositibo sa MERS-COV

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 1619
File photo: UNTV News
File photo: UNTV News

Nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus (MERS-COV) ang isa pang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia.

Ipinahayag ni Department of Foreign Affairs spokesperson Charles Jose na nagtratrabaho ang naturang OFW bilang isang x-ray technician sa isang ospital sa Riyadh.

Ang nasabing OFW ay posibleng nahawa sa isa sa mga pasyente sa pinagtatrabahuang ospital na una nang nagpositibo sa sakit nitong Marso.

Sa kasalukuyan, naka-confine na ang hindi pa pinapangalanang OFW sa intensive care unit ng isang MERS-COV specialist hospital sa nasabing bansa.

Ipinahayag naman ng DFA na nakakarekober na ang ilan pang OFW na tinamaan ng MERS-COV habang patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng bansa sa Riyadh sa mga pasyente at kamag-anak ng mga ito. (Joan Nano/UNTV News Correspondent)

Tags: , , , , ,