Ipinagtanggol ng Malacañang ang pagkakasuspendi kay Cebu City Mayor Mike Rama

by Radyo La Verdad | December 11, 2015 (Friday) | 1538

NEL_COLOMA
Pinabulaanan ng Malacañang ang mga alegasyon na politically motivated ang pagkakasuspindi kay Cebu City Mayor Mike Rama.

Ayon kay Presidential Conmunications Secretary Herminio Coloma Jr., ang 60 day suspension sa alkalde ay naayon sa batas.

Batay aniya sa administrative procedure, ang Department of Interior and Local Government o DILG ay maaaring magrekomenda ng disciplinary action sa mga lokal na opisyal.

Sa kaso aniya ng alkalde, ang DILG ang nagrekomenda ng preventive suspension at ito ay sinangayunan ng Office of the President sa pamamagitan ni Executive Secretary Paquito Ochoa.

Dumaan ito aniya sa proseso matapos na magreklamo ang isang opisyal ng barangay dahil sa umano’y paglabag sa konstitusyon, grave abuse of authority, grave misconduct at oppression na may kinalaman sa iniutos nitong demolisyon noong nakaraang taon.

(Jerico Albano/UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,