Sa datos ng Commission on Elections kadalasang tumataas ang turnout ng Overseas Voters kapag Presidentials Elections.
Noong 2004 Presidential polls, mahigit sa 223 thousand na mga kababayan natin na nasa iba’t ibang bansa ang bumoto ngunit bumababa ito noong 2007 midterm elections sa mahigit na 81 libo.
Sa pampanguluhang halalan naman noong 2010, 153 thousand Overseas Filipino Workers ang nakaboto at bumababa ang bilang noong 2013 midterm polls.
Ngayong 2016 Presidential Elections inaasahan ng Comelec na tataas muli ang bilang ng mga bobotong Pilipino na nasa ibang bansa.
Sa kasalukuyan nasa 1.3 million na ang registered overseas Filipino voters.
Kaya para sa Comelec dapat may malinaw ding plataporma ang mga National Candidates para sa mga OFW upang makuha ang kanilang boto.
Isang buwan ang voting period para sa mga overseas voter na magsisimula sa April 9 at matatapos ng May 9, 2016.
Sinabi ni Commissioner Arthur Lim na maraming dahilan kung bakit hindi nakaboboto ang mga overseas voter kabilang nadito ang layo ng lugar sa embahada at trabaho.
Kaya bukod sa mga Embahada, maglalagay din ng Mobile Voting Booth ang Comelec at DFA sa mga piling lugar na paglalagayan ng mga vote counting machines at doon isagawa ang botohan.
Mayroon ding akyat barko program ang poll body sa ilang International Ports at dadalhin ang mga voting machines sa barkong may sakay na mga filipino seafarer.
Ngunit ayon sa Comelec, hindi na maipatutupad ang internet voting para sa 2016 elections dahil hindi pa rin ito pinapayagan ng batas.
Sa ngayon may dalawang pending bills sa kongreso tungkol sa internet voting.
Sa mga botanteng Pilipino na nasa abroad na uuwi ng Pilipinas at dito sa Pilipinas boboto mayroon na lamang hanggang October 12 para magpalipat mula sa overseas voter sa pagiging local voter.
Samantala Myerkules ng umaga naman nagparehistro na bilang overseas voter sa Hongkong si Commissioner Lim bilang in charge sa Office for Overseas Voting ng Comelec.
Target ng poll body na mapataas mula 1.4 sa 1.5 million ang bilang ng mga registered overseas voters bago ang October 31 deadline ng registration. (Victor Cosare / UNTV News)