Inspeksyon sa mga gusali sa Davao City nagpapatuloy matapos ang 6.6 magnitude na lindol noong Martes

by Erika Endraca | October 31, 2019 (Thursday) | 23850

DAVAO City, Philippines – Patuloy ang ginagawang inspeksyon ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at City Engineering Office sa mga gusali, tulay at overpass sa Davao City upang masigurong ligtas pang gamitin ang mga ito kasunod ng malakas na lindol nitong Martes (October 29).

Umabot na sa mahigit 80 gusali ang nakitaan ng bitak ng mga otoridad, karamihan dito ay mga paaralan. Ipinauubaya na ng lokal na pamahalaan ang suspensyon ng mga klase sa mga administrador ng mga apektadong paaralan

“If they had a doubt so better not to go resumption of classes if they ask to wait the technical people to conduct further assessment” ani CDRRMO Operational Head Rodrigo Bustillo.

May ilang paaralan na man sa davao city ang nakapag-resume na ng mga klase. Plano namang tatapusin ng CDRRMO ang paglilibot ngayong araw upang makapagbigay ng rekomendasyon sa mga naapektuhang gusali

(Hazel Fuerzas | UNTV News)

Tags: ,