Inflation rate sa bansa, muling tumaas nitong Agosto

by Radyo La Verdad | September 6, 2023 (Wednesday) | 2630

METRO MANILA – Nagkaroon ng muling pagbilis at pagtaas sa  naitalang inflation rate ng bansa nitong nakaraang Agosto.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary and National Statistician Dennis Mapa, bumilis ang inflation rate noong nakaraang buwan matapos ang 6 na buwang sunod-sunod na pagbaba nito.

Ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation rate noong buwan ng Agosto ay ang pagmahal ng pagkain tulad ng kamatis, bigas at isda.

Nag-ambag din sa pagbilis ng inflation ang ilang beses na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Tags: ,