Indonesian lawyers ni Mary Jane Veloso, nakipag pulong sa DOJ tungkol sa kanyang kaso

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 1567

IMAGE__100312__UNTV-News__DOJ_EDITED

Nakipagpulong sa Special Task Force ng Department of Justice ang mga Indonesian Lawyer ni Mary Jane Veloso sa pangunguna ni Attorney Rudyantho.

Hanggang sa ngayon ay humahanap sila ng paraan upang matulungan si Mary Jane sa kaso nito sa Indonesia.

Magdadala ng kopya ng affidavit at iba pang ebidensiya ang abogado na posibleng magamit sa kanilang apela sa kaso nito

Naniniwala ang Indonesian lawyer na posible pang mapababa ang parusang kamatayan kay Mary Jane.

Samantala patuloy na nakatatanggap ng mga impormasyon ang Department of Justice tungkol sa iba pang umano’y nabiktima ng recruiter ni Mary Jane Veloso na si Maria Cristina Sergio.

Inatasan naman ng kalihim si Usec. Jose Vicente Salazar na makipagpulong ng regular sa mga miyembro ng binuong Special Task Force upang suriin ang mga natatanggap na impormasyon.

Tags: , , , , ,