Lalaki sa Bontoc, Mt. Province na galing United Kingdom, negatibo sa UK Variant

by Erika Endraca | January 27, 2021 (Wednesday) | 2271

METRO MANILA – Masinsinang sinusuri ngayon ng Department Of Health (DOH) ang pinagmulan ng UK Variant cases sa isang Brgy sa Bontoc, Mountain Province.

Ito ay bagaman ikononsiderang index case noong una ang lalaking umuwi doon mula sa United Kingdom at nag- positibo sa Covid-19.

Lumabas sa kaniyang genome sequencing result na negatibo ito sa UK variant.

Sinisilip din ng kagawaran na posibleng dito na siya sa Pilipinas nahawa ng Covid-19.

Batay sa mas malinaw na timeline na inilbas ng DOH kahapon (Jan. 26), December 11 ito dumating sa Pilipinas at hindi December 13.

December 13 naman ito nakauwi sa Bontoc Province matapos mag- negatibo sa Covid-19 .Nagpunta ito sa mga social gathering noong Decemeber 25 at 26.

December 27 na ito nakaramdam ng sintomas na abdominal pain at December 29 ito nag- positibo sa Covid-19.

“Nagpapakita na ang isang source of infection nga posible po talaga na iyong length of time na nandito sa Pilipinas dito na niya nakuha ang kaniyang infection pero again tne statement is as of now that we are not yet conclduing that this traveller from UK is the source of infection and the department is currently doing backtracing of our cases to identify other potential sources” ani DOH-Epidemiology Bureau Medical specialist IV, Dr. Alethea De Guzman.

Batay sa contact tracing report ng DOH, ang apat sa first generation close contacts ng lalaking mula sa United Kindom ay nag- positibo sa UK Variant.

Ang second generation close contacts ng mga ito na walo pa ay positibo rin sa uk variant

Kaya naman ayon sa DOH Epidemiology Bureau kailangan nilang masilip ang iba pang nakasalamuha ng 12 nag- positibo sa UK Variant na close contact ng lalaking mula sa United Kingdom na negatibo nga sa UK Variant .

Ang isang malinaw aniya ngayon ay mayroon nang local transmission ng B.1.1.7 o UK Variant sa Bontoc Mountain Province. Ibig sabihin, konektado at nasa iisang lugar ang hawaan ng UK Variant

Nilinaw naman ng DOH Epidemiology Bureau na wala pang community transmisison sa lugar .

Batay pa sa ulat ng doh, apat naman sa 302 na nakasabay sa flight pr 8661 ng dalawang returning ofw mula sa lebanon na nag- postibo sa uk variant ang positibo din sa Covid-19. 51 pasahero at 19 na crew naman ang pending ang resulta.

Samanta, ayon naman sa ulat ng UP Octa research team, kapansin- pansin ngayon ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Mountain Province at iba pang probinsya gaya ng Cebu, Kalinga at Iloilo.

Bukod pa ito sa kaso ng UK Variant na naitatala sa Bontoc, Mountain Province.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: