Inagurasyon ng urban drainage improvement project ng DPWH sa Bicol Region pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 27186

ALLAN_PNOY
Pasado alas onse kaninang umaga nang dumating sa Bicol si Pangulong Benigno Aquino The Third upang pangunahan ang inagorasyon ng ilan sa mga urban drainage improvement project ng Department of Public Works and Highways sa Region V.

Unang tinungo ng pangulo kasama ang ilang cabinet members at Albay local officials ang Yawa bridge sa Legazpi City.

Isa ito sa apat na tulay na ipinagawa sa ilalim Aquino administration.

Sa datos na ipinalabas ng DPWH umabot sa 1.7 bilyon ang inilabas na budget mula 2012 hangang sa kasalukyan para sa ginawang urban drainage improvement.

Kabilang na rito ang 4 na tulay, 3 pumping station, jetty structure, channel improvement or dikes, dredgings, box culverts at seawall.

Maaari umanong makatulong sa mga bahain lugar sa probinsya ang nasabing proyekto, kung saan nasa mahigit na 13,300 households ang makikinabang o katumbas sa 70,400 indibidwal.

Pagkatapos ng okasyon sa Legazpi City agad na tutungo ang pangulo sa Camarines Sur upang pangunahan din ang pagbubukas ng fish port sa Sabang, Calabanga.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , ,