Imported rice darating sa Pilipinas hanggang February 2024 – DA

by Radyo La Verdad | December 28, 2023 (Thursday) | 3280

METRO MANILA – Nakatakdang dumating mula ngayong buwan at sa darating na Enero ang 76,000 metric tons ng bigas mula sa Taiwan at India.

Sa isang pahayag sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary at Officer-In-Charge For Operations Roger Navarro na nasa kalahating milyong metriko tonelada ng bigas na inangkat ng private sector ang inaasahang darating ngayong Disyembre hanggang Pebrero 2024

Ayon kay Undersecretary Navarro, nasa 100,000 tonelada na ng imported rice ang dumating sa bansa, bahagi ito ng 495,000 metric tons ng bigas na ipinangako ng mga import permit holders kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel,

Dagdag ni Undersecretary Navarro, sa pagdating ng imported na bigas at mataas na volume ng ani ng mga magsasaka ay magkakaroon ng sapat na suplay na bigas ang bansa hanggang sa susunod na harvest sa darating na Marso.

Tags: ,