Implementasyon ng programa sa energy conservation, pinamamadali ni PBBM

by Radyo La Verdad | January 23, 2024 (Tuesday) | 4511

METRO MANILA – Ipinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang hakbang ukol sa pagtitipid sa kuryente ng mga ahensya ng pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ng pangulo sa kaniyang inilabas na Administrative Order (AO) Number 15.

Ang Government Energy Management Program (GEMP) ay isang pangkalahatang programa ng pamahalaan na may layong pababain ang buwanang konsumo sa kuryente at produktong petrolyo ng mga ahensya ng pamahalaan.

Napapaloob sa GEMP ang pagsasagawa ng energy audits, inventory ng mga ilaw sa mga gusali, pasilidad at mga kalsada, heating, ventilation at air-conditioning unit, paglalagay ng shell fenestration o insulation at pag check sa mga sasakyan.

Base sa AO 15, nais ni Pangulong Marcos na mapabilis ang implementasyon ng programa dahil na rin sa banta ng El nino phenomenon.

Tags: , ,