Immigration Guidelines para sa Qualified Balik-bayan passengers binigyang linaw ni BI Spokesperson Dana Sandoval

by Erika Endraca | December 1, 2020 (Tuesday) | 3830

METRO MANILA – Binigyang linaw ni Bureau of Immigrations (BI) spokesperson Dana Sandoval sa Serbisyong Bayanihan ang mga detalyeng kailangang malaman ng mga airline passengers matapos ianunsyo ng Malacañang last Friday, November 27, na maaari na muling magbiyahe pabalik ng Pilipinas ang mga ito kasama ang kanilang pamilya simula December 7.

Matapos ang ilang buwan ng pansamantalang travel suspension, pinapayagan muling makabiyahe sa Pilipinas ang mga Pilipinong may foreign nationality matapos aprubahan ang Resolution No. 85 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases noong ika-26 ng Nobyembre.

Ayon kay Ms. Sandoval, kinakailangang nakapagcoordinate na ang passengers sa kanilang airline para sa prebooked quarantine facility at sila’y hindi sosobra sa maximum number ng inbound passengers sa date ng kanilang entry, at bukod ditoy’ sasailalim sila sa Covid-19 testing pagdating sa airport sa ilalim ng one-stop shop policy ng DOTR.

Paalala din ng BI spokeperson na mas mainam ma magkakasama sa pila ang mga pasahero pagdating sa Immigration area upang mas mapadali ang verification ng kanilang travel documents tulad ng proof of citizenship, marriage contract, lumang visa at birth certificate.

Muli namang nagpaalala ang BI na dapat maging makipagugnayan sa foreign embassies ang mga airline passengers tungkol sa mga pagbabago sa domestic at international travel policies ng kanilang destinasyon kabilang na dito ang number of Covid-19 cases.

Binigyang diin din niya na mas mabuting manatili na lang sa bahay kung hindi naman mahalaga ang dahilan ng pagbiyahe at siniguro din nito sa publiko na strikto ang Immigration sa pagpapatupad ng physical distancing sa airport.

(April Jan Bustarga | La Verdad Correspondent)

Tags: ,