Immediate supervisor ng pulis na nahuli ng NBI sa drug raid sa Maynila, dapat ding pagpaliwanagin

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 1753

LEA_PAGPAPALIWANAG
Maging ang mga mga immediate superior ni PO2 Jolly Allangan ay dapat ding magpaliwanag.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, dapat na maipaliwanag ng mga ito ang nakuhang malaking halaga ng pera at shabu.

Lumalabas din sa record na may mga kinasangkutan na ring mga kaso si Allangan ngunit nanatili pa rin ito sa anti-illegal drugs ng NCRPO.

Sinabi pa ni Mayor na hahayaan muna ang National Capital Region Police Office na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa kaso bago sila kumilos.

Si PO2 Allangan ay tauhan ni Chief Insp. Roberto Razon, hepe ng RAID o Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force na nasa ilalim naman ng command ng ncrpo sa pangunguna ni Regional Director Joel Pagdilao.

Kaugnay nito kinumpirma naman ni NCRPO Chief P/Dir. Joel Pagdilao sa isang text message na pinakakasuhan na nya ng administratibo si aliangan at inalis na din ito sa Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group.

Nakumpiska mula sa bahay ni Allangan ang kulang P7M cash at di matukoy na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa raid na isinagawa ng mga operatiba ng NBI kahapon.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,