Imbestigasyon sa panibagong kapalpakan ng PNA, hiniling ng ilang mambabatas kay Sec. Andanar

by Radyo La Verdad | September 11, 2017 (Monday) | 1281

Hiniling ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera-Dy kay Communications Secretary Martin Andanar na imbestigahan ang panibago na namang kapalpakan ng Philippine News Agency o PNA website.

Noong Biyernes, muling naging tampulan ng pagpuna ang PNA sa social media matapos na mai-post sa website ng mga ito ang mga article na mayroong editor’s note.

Sa isang article, nakasama sa title ang instruction para sa isang “Lei” na “i-re-angle” ang storya at mag-focus sa koneksyon sa pagitan ng skin disease at toxic waste.

Sa isa pang article ay nakalagay naman ang  instruction para sa isang “Primo” na magsubmit ng mga istorya sa palarong pambansa para ma-edit ng isang nagngangalang “Betsy”.

Ayon kay Herrera-Dy, kinakailangang managot ang mga mapapatunayang sangkot sa  kapabayaang ito.

 

Tags: , ,