Isang resolusyon ang ipinasa ng ng Sangguniang Panlalawigan ng Iloilo na kumukondena sa nangyaring pagpatay sa Pinay OFW na si Joanna Demafelis.
Nakasaad sa resolusyon ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa Kuwaiti Government na mapabilis ang imbestigasyon sa insidente at mahuli ang mga employer ni Demafelis.
Samantala, pinagkalooban naman ng isandaang libong pisong tulong pinansiyal ng provincial government ang pamilya Demafelis.
Personal itong tinanggap ng kapatid ni Joanna. Nagpasalamat naman ang magkapatid sa tulong na ibinigay sa pamilya.
Hindi naman titigil ang pamilya sa kanilang panawagan na makamitang hustisya sa sinapit ni Joanna.
( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )