METRO MANILA – Nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na isailalim na rin sa Modified Enhanced Community Quarantine (MGCQ) ang Iloilo City simula May 23-May 31, 2021.
Kasunod ito ng apela ng lokal na pamahalaan dahil sa COVID-19 surge sa lungsod.
Samantala, mananatili din hanggang sa katapusan ng Mayo ang ipinatutupad na MECQ sa mga probinsya ng Apayao, Benguet at Cagayan.
Unang isinailalim sa MECQ ang 3 probinsya noong May 10 hanggang May 23, ngunit pinalawig pa ito dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Bukod sa mga ito, nasa ilalim din ng MECQ hanggang May 31 ang Santiago City-Isabela, Quirino, Ifugao at Zamboanga City.
Habang nasa General Community Quarantine with heightened restrictions naman ang National Capital Region, Rizal, Laguna, Cavite, at Bulacan.
As of May 23, 2021, pumalo na sa 1.17 Million ang total Covid-19 cases sa bansa, 1.1 Million na ang gumaling samantalang higit na sa 19,900 ang nasawi sa sakit.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Iloilo City, MECQ