Ilang senador na miyembro ng SET, sinabing prinsipyo ang naging batayan sa pagboto at hindi pulitika

by Radyo La Verdad | November 19, 2015 (Thursday) | 1762

BAM-AQUINO
Ipinaliwanag ng ilang senador na miyembro ng Senate Electoral Tribunal o SET ang kanilang naging batayan sa pagbotong pabor kay Senador Grace Poe.

Ayon kay Liberal Party Senator Bam Aquino natuon ang kanilang talakayan nitong martes kung ang mga inabandona o foundlings ay natural born o hindi

Ayon kay Aquino ang International Law tungkol sa foundling ang pinagbatayan ng mga bomotong pabor kay Poe.

Batay sa international law na ang isang bata na nahanap o natagpuan sa isang bansa ay may pag-intindi na siya ay mula sa bansang iyon.

Dagdag pa ni Senador Aquino hindi nanaig sa kanya ang isyu ng pulitika

Naniniwala rin ang senador na dapat napairalin ang prinsipyo lalo’t ang kapakanan ng mga inabandonang bata ang nakataya.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag sina Senator Pia Cayetano at Cynthia Villar na mga Nacionalist Party dahil sa maari pa ring umapela ang petitioner sa SET para sa motion for reconsideration.

Nilinaw naman ni Poe na hindi niya kinausap ang limang senador na pumabor sa kanya bago ang araw ng botohan sa SET

Ayon naman kay Senator Antonio Trillanes the fourth sa umpisa pa lamang ay harassment na ang ginawang pag-kuwestiyon sa citizenship ni Poe.

Nirerespeto naman ng kampo ni Vice President Binay ang desisyon ng SET. (Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,