Ilang residente sa Albay, nag-imbak na lang ng pagkain sa halip na lumikas

by Radyo La Verdad | January 25, 2018 (Thursday) | 1972

Patuloy na nagmamatigas at ayaw pa rin lumilikas ang ilang mga residente na nakatira malapit sa Bulkang Mayon. Katwiran nila, sanay na umano sila at halos kabisado na nila ang mga ganitong sitwasyon kapag nag-aalburoto ang bulkan.

Kabilang sa kanilang pinaghahandaan sa mga ganitong kalamidad ang pag-iimbak ng pagkain, lalo’t hirap na silang bumiyahe patungo sa bayan upang makapamili.

Gaya na lamang ni Mang Antonio na nakapaghanda na ng kaniyang kakainin sa loob ng mga susunod na araw, habang hindi humuhupa ang aktibidad ng Mount Mayon.

Subalit nangangamba pa rin ito na posibleng maubos na ang kaniyang supply kapag tumagal pa ang sitwasyon sa loob ng ilang mga linggo.

Sakaling maubos, ayon kay Mang Antonio, mapipilitan na lamang siya na pitasin at hugasan ang kaniyang mga pananim na gulay upang may makain.

Kumipyansa naman ang mga naiwang residente sa lugar na hindi nila magiging problema ang suplay ng tubig.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,