Ilang OFW sa Kuwait, hindi uuwi ng Pilipinas sa kabila ng muling panawagan ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | May 2, 2018 (Wednesday) | 3596

Sa pagdiriwang ng Labor Day sa Cebu kahapon, inihayag ni Pangulong Duterte na soft landing ang kaniyang nakikitang solusyon sa nangyayaring diplomatic row sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Ang dalawang bansa ay kapwa nagpakita ng interes na ayusin ang gusot na dulot ng pagrescue ng mga embassy officials sa distressed OFW dito.

Bagaman pinili ni Pangulong Duterte na huwag makipag-alit sa Kuwait, inulit naman ng punong ehekutibo ang panawagan sa mga Pinoy workers dito na umuwi sa Pilipinas.

Nauunawaan naman daw ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) dito ang pagmamalasakit ng pangulo sa mga OFWs, dangan nga lamang ay uunahin daw nila ang kabuhayan ng kanilang pamilya.

Gaya ni Badria Saban na labing anim na taon nang nagtatrabaho bilang isang staff ng isang eskuwelahan.

Hindi rin basta makakauwi ng bansa si Gesille Bucareli dahil hindi pa siya nakakabawi sa kaniyang ginastos sa pagpunta rito.

Aniya, hindi sapat ang kaniyang kinikita sa Pilipinas kaya  napilitan siyang dito makipagsapalaran bilang isang marketing assistant.

 

( Mylene Soriano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,