Ilang motorista, huli sa unang gabi ng operasyon ng anti-drunk campaign ng LTO sa Quezon City

by Radyo La Verdad | February 12, 2016 (Friday) | 2174

REYNANTE_HULI
Sa unang gabi ng muling operasyon ng anti-drunk campaign ng Land Transportation Office sa Quezon City ilang pasaway na motorista ang nahuli ng mga otoridad.

Ngunit sa halip na mga lango sa alak o lasing ang naaresto ng mga motoristang may paglabag sa batas trapiko gaya ng mga motorcycle rider na walang suot na helmet, walang headlight, kulang ang side mirror ang kanilang nahuli.

Nasampulan din ang ilang mga kotse at SUV na kulang ang headlight at may mga led sa harap ng sasakyan na ipinagbabawal na ng lto.

Ininpound na din ng LTO Central Office ang mga sasakyan matapos makitaan ng mga paglabag gaya ng pagmamaneho ng walang helmet, mga hindi pa natutubos na lisensya dahil sa paglabag sa batas trapiko, at may covered plate.

Samantala magiikot din ang mga training officer ng LTO sa iba’t-ibang rehiyon para magsagawa ng mga pagsasanay sa mga law enforcers.

Noong 2015 pito lang ang naitala ng Land Transportation Office ang lumabag sa anti-drunked and drugged driving law sa Metro Manila.

Apat sa mga ito ang nahuling nasa ilalim ng impluwensiya ng alak at tatlo naman ang nasa impluwensya ng illegal na droga.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,