Ilang mga pasaway na evacuees na umuuwi sa kanilang mga bahay, inalis sa listahan ng City Welfare and Development Office

by Radyo La Verdad | February 6, 2018 (Tuesday) | 2211

Ang ginagawa daw ng mga pasaway na evacuees, uuwi sa kanilang mga bahay at babalik lamang sa evacuation center kapag kukuha na ng mga relief goods.

Ayon sa City Welfare and Development Office, relief goods is equals to safety, kung gusto mo makakuha ng tulong ay dapat ligtas ka rin sa anomang panganib.

Marami na ang mga naaalis sa listahan na mga pasaway na evacuees dahil sa nagpupumilit ang mga ito na makauwi sa kanilang mga bahay.

Ayon sa City Welfare and Development Office, kailangan nilang gawin ito upang mapwersa nila ang mga tao na huwag umalis sa mga evacuation center. Hindi na rin nila sagutin kung mayroong mangyayaring masama sa mga ayaw manatili sa evacuation centers. Kung kayat tinitiyak nila na lahat ng mabibigyan ng pagkain ay totoong nasa loob ng mga temporary shelters.

Sinigurado naman ng mga opisyal na hindi makakalusot ang mga nagpapakunwari lamang na mga evacuees upang makakuha ng pagkain.

Sa ngayon, bahagyang lumuwag ang mga evacuation centers mula ng magpauwi ng mga evacuees noong Biyernes.

Tuloy-tuloy rin ang pasok sa eskwela sa Legazpi City at sa ibang lugar sa tulong na rin ng mga naitayong temporary learning space.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,