Ilang lugar sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig sa Biyernes at Sabado

by Erika Endraca | May 22, 2019 (Wednesday) | 2985

Manila, Philippines – Magpapatupad muli ng  ng water service interruption ang manila water sa kanilang mga customer sa Quezon city sa May 24 – 25.

Magsisimula ito ng 11 ng gabi sa Biyernes at tatagal 6 ng umaga sa Sabado. Kabilang sa mga lugar na mawawalan ng tubig ang Barangay Ramon Magsaysay, Alicia, Santo Cristo, Bagong Pagasa, Old Capitol Site, Project 6, Culiat, Bahay Toro Tandang Sora, Pasong Tamo, Teachers Village, Up Village at iba pang lugar.

Ayon sa tagapagsalita ng Manila water na si Jeric Sevilla, ito’y dahil sa gagawing relokasyon ng ilang tubo sa bahagi ng North Avenue.

“Because there is an activity we need to relocate our pipes because of the mrt-7 construction” ani Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla.

Samantala magandang balita naman para sa halos isang daan at apat na pung libong mga customer ng manila water dahil makatatanggap sila ng rebates sa kanilang water bill sa Hunyo.

Ito ang mga customer na naapektuhan ng krisis sa suplay ng tubig noong Marso.

Batay sa anunsyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang lahat ng mga residenteng nawalan ng tubig noon ay makatatanggap ng 153.93 na rebates para sa ten cubic meter na tubig na nakonsumo ngayong buwan.

Madadagdagan pa iyon ng 2,197.94 kung kasama kayo sa  mga residenteng severely affected o yung mga nasa lugar na 24/7 nawalan ng suplay ng tubig mula March 6 hanggang 31.

Sakaling sumobra ang rebates sa halaga ng tubig na nakonsumo, pwede pa itong maibawas sa mga susunod pang bill o di kaya ay iaawas ito sa mga nakalipas mong utang.

Halimbawa, kung ang bill mo ay umabot ng 339.48 para sa 20 cubic meter consumption. Otomatikong mababawasan ito ng 153.93 para sa minimum rebate. Kung idadagdag ang 2,197.94 na additional rebate, mayroon kapang sosobra na 2,012.39. Maari mo pa ring ibawas diyan kung mayroon kang utang sa nakalipas na bill .

“The entire 534 million yun po babalik yan lahat sa publiko wala pong maiiwan o walang mapupunta sa mwss”ani MWSS Chief Regulator Attorney Patrick Ty.

“Susundin natin yun, kaya ngayon yung rebate para sa customers amounting to 534m we will coordinate with the regulatory office in terms of implementing yung mga mechanics at guidelines” ani Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla.

Kabilang sa mga makatatanggap ng rebates ng manila water ang mga customer sa Taguig, Pasig, Mandaluyong, Quezon city at ilang bayan sa Rizal.

Ang water bill waiver program ay bahagi ng 1.13 billion pesos na multang ipinataw ng mwss sa manila water dahil sa pagkabigo nito na makapagbigay ng maayos na suplay ng tubig sa kanilang mga customer.

Inuutusan rin ng MWSS ang Manila Water na magtayo ng bagong pasilidad para sa kanilang water source devlopment sa halagang 600 million pesos.

Anila ito’y upang maiwasan na maulit pa ang ganitong problema at upang magkaroon ng alternatibong mapagkukunan ng suplay ang manila water.

Samantala, inisyuhan rin ng mwss ng notice of service obligation failure ang Maynilad dahil sa dami ng reklamo laban sa kanilang serbisyo.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Attorney Patrick Ty, lumagpas na ang l15 araw na ibinigay nila sa Maynilad upang ayusin ang kanilang problema sa suplay ng tubig sa mga customer.

Mayroong 5 araw ang Maynilad upang sagutin kung bakit hindi sila dapat pagmultahin ng MWSS.

Sa pahayag naman na inilabas ng Maynilad, iginiit ng mga ito na walang batayan para patawan sila multa at pinabulaanan na umabot sa labing 5 araw na walang suplay ng tubig ang kanilang mga customer.

Binigyang diin rin ng kumpanya na tanging labing dalawang porsyento lamang ng kanilang mga customer ang apektado ng water supply interruption at sinabing ginawan naman nila ng paraan ang pagrarasyon ng tubig sa mga apektadong lugar.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , , ,