Apektado pa rin ng low pressure area ang ilang lugar sa Luzon.
Namataan ito ng PAGASA sa layong 175 kilometers sa hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng makulimlim na panahon na may katamtamang pag-ulan ang Aurora, Quezon, Mindoro, Bataan at Northern Palawan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng papulo-pulong pag-ulan na may kasamang pagkidlat at pagkulog.
Sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw ay inaasahang malulusaw na ang LPA bago makalabas ng Philippine Area of Responsibility.
Ang weather system na ito ay ang dating bagyong si Crising na humina matapos tumama sa Samar noong Sabado.
Tags: Ilang lugar sa Luzon, LPA, pag ulan