Ilang kongresista nanawagan sa COMELEC na huwag nang gamitin ang PCOS Machine sa 2016 Election

by Radyo La Verdad | May 6, 2015 (Wednesday) | 1359

IMAGE_MAR192015_UNTV-News_NERI-COLMENARES

Hindi na pumapayag ang Makabayan Bloc na gamitin muli ang PCOS machines ngayong 2016 elections.

Isang panukalang batas ang nakatakdang ihain ni Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares ukol dito.

Ayon sa mambabatas ilang beses nang nagkaaberya ang PCOS machines simula nang gamitin ito.

Gaya ng CF cards recall bago ang 2010 elections at ang nasa mahigit isang libong makinang nag-malfunciton noong 2013 elections.

Ang panawagan ng kongresista ay ang gawing manual ang pagboto sa bawat presinto habang automated ang canvasing.

Dagdag pa nito, mas makatitipid pa ang COMELEC sa ganitong sistema

Nanatiling para sa isang Automated Election ang dalawang opsyon na pinag-paaralan ng Commission on Elections para sa 2026

Una ay ipapabidding ang refurbishment ng mga lumang PCOS machines o kukuha na lamang ng 63,000 bagong Optical Mark Reader o OMR voting machines. (Grace Casin/ UNTV News)

Tags: , ,