Ilang flight disruptions kasabay ng airspace shutdown sa May 17, inanunsyo ng CAAP

by Radyo La Verdad | May 11, 2023 (Thursday) | 7672

METRO MANILA – Inaasahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ilang flight disruptions kasabay ng isasagawang 2-hour airspace shutdown sa May 17.

Ito ay para bigyang-daan ang corrective maintenance ng air traffic management center.

Ayon sa CAAP, maapektuhan nito ang 4 na regional flights sa Clark International Airport.

Ang AirAsia Philippines nag-retime ng 12 flights sa may 16 at 2 flights sa May 17, habang kinansela ang 6 na domestic flights sa May 17.

Samantala walang flights na maaapektuhan sa Mactan-Cebu International Airport.

Pinapayuhan ng CAAP ang mga pasahero na naka book na ang flight sa May 16 o May 17 na makipag-ugnayan sa kanilang sasakyan na airline upang malaman kung kabilang sila sa mga maaapektuhan ng isasagawang airspace shutdown.

Tags: