Binigyang pagkilala ng Philippine Military Academy Foundation Incorporated o PMAFI ang mga faculty members ng akademya na nagpakita ng ibayong kahusayan sa kanilang pagtuturo sa taong ito.
Ayon sa chairman ng PMAFI na si Retired Police Director Anselmo Avenido Jr., taon-taon ay ginagawa nila ito upang tulungan ang PMA upang lalo pang palakasin ang kakayahan ng mga guro sa paghubog sa mga kadete, kabilang na dito ang character building ng mga ito.
Layon din nitong maipakita sa mga guro na hindi nakakalimutan ang kanilang mga sakripisyo at dedikasyon sa trabaho. Bukod sa parangal, nakatanggap din ng cash incentives ang bawat awardee mula sa sampung departamento, 1 group award at outstanding faculty member award.
Pinipili ang mga awardee sa pamamagitan ng evaluation mula sa kadete o estudyante, mula sa mga kasamahan nila sa trabaho at sa kanilang immidiate superior.
Nagdonate din ang PMAFI sa akademya ng worth 5 million pesos na ilalagay sa iba’t-ibang proyekto gaya ng professional chair, scholarship grants at improvements ng mga training facilities.
( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )
Tags: binigyan ng pagkilala, faculty member, PMA