Hazing, totoong nangyayari sa PMA – Sen. Bato

by Erika Endraca | September 25, 2019 (Wednesday) | 5923
PHOTO: Senator Ronald Bato Dela Rosa

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na totoong nangyayari ang hazing sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP), kahit siya ay nakaranas din ng hazing noong kadete pa ito ng PMA.

“Mayroon bakit wala..During out time mas grabe pa nung panahon namin.” ani Sen Ronald “Bato” Dela Rosa.

Pero ayon sa senador hindi dapat matakot ang mga nagnanais na pumasok sa PMA dahil isolated case naman ito.
Ikinalungkot naman ng mambabatas ang pagkamatay ni Cadet Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,