Ilang evacuation centers sa Batangas, hindi na tumatanggap ng evacuees

by Erika Endraca | January 20, 2020 (Monday) | 20898

METRO MANILA – Siksikan na ang mga evacuee sa Tanauan City Gymnasium 2 sa Batangas kaya hindi na muna tinatanggap ang mga bago at karagdagang evacuees, sa halip ay inirerefer ang mga ito sa iba pang evacuation centers na mayroon pang bakante.

Ayon sa mga otoridad, ito ay upang hindi magkaroon ng matinding discomfort o masyadong mahirapan ang mga pamilya na nasa evacuation centers.

Nasa 330 pamilya o katumbas sa 1,507 na indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa Tanauan City Gymnasium 2.

Bilang na minamantini na lamang ng City Social Welfare and Development Office. Nakakakain sila ng agahan, tanghalian, hapunan at dalawang miryenda.

Samantala, nilinaw naman ng DSWD na maaari pa ring kumuha ng relief goods ang mga evacuee na pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag anak.

Kailangan lamang nilang makipag ugnayan sa kanilang tanggapan upang mabigyan ng kaukulang tulong.

“Kapag dumating sila dito bibigyan namin sila ng index card para sila ay maka avail noong mga ipinamimigay namin dito.” ani Tanauan City, Batangas City SWDO, Rebecca Havier.

Samanatala ayon sa Department of Health (DOH) 50-60% ng mga evacuee na nagpakonsulta sa kanila ay kinakitaan nila ng acute respiratory infection at hypertension dahil sa ashfall habang ang hypertension naman ay dulot ng stress bunsod ng pag eevacuate.

Tiniyak naman ng DOH na nakahanda ang lahat ng mga ospital sa Batangas na tumanggap ng mga pasyente.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,