Nanganganib na makansela ang prangkisa ng bus na nahuli ng Movie Television Review and Classification Board O MTRCB sa isinagawang inspeksyon nito kanina sa Araneta Bus Terminal.
Nahuli sa akto ang isang bus na mayroong mga CD ng mahahalay na pelikula sa VCD player.
Mahigpit na ipinapatupad ng MTRCB ang matalinong panonood sa mga pampublikong lugar maging sa mga bus lalo na at marami sa ating mga kababayan ang uuwi sa mga probinsya para sa mahabang bakasyon.
Giit ng MTRCB, dapat lahat ng video materials na gagamitin para sa public viewing ay dumaan sa kanilang opisina, dahil maituturing na unrated at hindi maaaring ipalabas kung walang kapahintulutan mula sa MTRCB.
Ang inspeksyon ay isang joint operation ng MTRCB, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Optical Media Board (OMB).
Tags: Araneta bus terminal, general patronage, LTFRB, MTRCB, parental guidance