Ilang bangko, sarado mula April 2-5 ngunit operasyon ng ATM, patuloy; Malls, balik-operasyon sa April 4

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 4785

IMAGE_DEC232014_UNTV-News_ATM

Sa mga may transaksyon sa bangko o may bibilhin pa sa mall, asikasuhin na ninyo ito ngayon o bukas dahil sarado na ang mga ito sa Huwebes at Biyernes.

Sa abiso ng BDO, sarado ang lahat ng kanilang branches sa Huwebes at Biyernes pero bukas naman sa sabado at linggo ang sangay nila sa NAIA at Clark forex counter.

Ang Metrobank naman at halfday lang sa Huwebes, Sabado at Linggo pero sarado sila sa Biyernes.

Sarado rin sa Huwebes at Biyernes ang Bank of the Philippine Islands, Chinabank, Philippine Veterans Bank, UCPB at PNB pero ang Security Bank at Maybank ay sarado hanggang sa araw ng Linggo.

Balik-operasyon ang mga bangko sa Lunes, April-6. Sa mga kailangan namang mag-withdraw, online naman ang kanilang ATM machines pero asahan na ang mahabang pila dahil sa dami ng magbabakasyon.

Mag-ingat rin sa posibleng pagsalakay ng mga holdaper at tampered machines. kung liblib na lugar ang pupuntahan, mas maiging mag-withdraw na ng pera bago pa umalis.

Sa mga nagbabalak namang mamili, sarado ang lahat ng SM malls sa Huwebes at Biyernes maliban sa Baguio City. Bukas rin ang restaurants sa SM Mall of Asia.

Sarado rin by Thursday and Friday ang Ayala Malls, Gateway, Eastwood, Shangri-La Malls pati na ang Robinsons maliban sa mga branches sa Palawan, Luisita, Pangasinan, Malolos at Santiago.

Balik sa normal na operasyon ang lahat ng mga mall sa Sabado.

Tags: , , , , , , , , , , , ,