Ilang aberya, naranasan sa pagsisimula ng overseas absentee voting

by Radyo La Verdad | April 15, 2019 (Monday) | 4411

Nagkaroon ng ilang aberya sa mga bansang nagsagawa ng overseas absentee voting para sa 2019 midterm elections.

Dalawang vote counting machines sa Hongkong ang nagkaproblema sa unang araw ng overseas absentee voting. Hindi binabasa ng makina ang mga balota at ang ilan ay nire-reject pa nito. Agad namang pinalitan ang mga nagkaproblemang makina.

Ayon ka Consul General Antonio Morales, bukod sa makaina ay naging problema rin ang hindi tamang pag-shade sa balota ng mga botante, overvoting at problema sa barcode ng balota.

Umaasa naman ang COMELEC na magkakaroon ng mataas na voter turn out sa Hongkong na mayroong mahigit 90 thousand registered voters.

“Second time ko ngayon, first time ko naging first voter noong 2016 National Elections. This year medyo madali na kasi nakapag-first vote na ako noong 2016,” wika ni Jezelie Baneng Mendez na isang OFW.

Inulan namanng reklamo ang Facebook page ng embahada ng Pilipinas sa Russia dahil kulang ang nakarating na balota kumpara sa dami ng mga botante. 3,529 ang nagparehistrong botante sa Russia subalit 2,169 lamang ang dumating na mga balota.

Hinihintay pa ng UNTV News Team sa Russia ang tugon ng embahada hinggil sa naturang reklamo.

Samantala, kakaunti lamang ang pumunta sa embahada ng Pilipinas sa unang araw ng overseas absentee voting. Mayroong 18,300 registered Filipino voters sa Malaysia ngunit wala pa sa isang porsiyento ang pumunta upang bumoto.

Pinangunahan ni Ambassador Charles Jose ang botohan sa naturang bansa upang i-demo sa mga Pilipino ang tamang paraanng pagboto.

Umaasa ang embahada na bago ang May 13 ay magiging mataas ang voter turn out sa naturang bansa.

Sa Taiwan naman ay nanawagan ang Manila Economic Cultural Office o MECO nahuwag nang hintayin ng mga PIlipino ang deadline bago bumuto.

41 thousand ang registered voters sa Taiwan.

Wika ni Atty. Carlo Aquino MECO Deputy Resident Representative, “Magkakasabay-sabay po kayo. Ngayon pa lang pong araw na ito at araw-araw hanggang Mayo 13 bukas po ang MECO para tanggapin ang inyong boto. Gamitin po natin ang ating karapatan na mamili kung sino ang mamumuno sa atin.”

Samantala, 1,200 ang nakatalang mga Pilipino sa East Timor subalit 756 lang ang registered voters. Ayon kay Consul Jason Anasarias, paiigtingin pa nila ang ginagawang voters information campaign upang mas lalo pa nilang mahikayat ang mga Pilipino na bumoto.

“So, on the average usually ng mga bumboto sa Overseas Voting, nasa 20-30%. Probably makakatanggap tayo ng mas mataas pa dun siguro base sa nakikita ko, makaka improve tayo ng konti dun sa rate of turn out of voters dito sa Timor Leste”, dagdag pa ni Consul Jason Anasarias.

Sa kaunaunahang pagkakataon naman ay nakagamit na ng vote counting machine ang mga botante sa New Zealand.

Mayroong mahigit 19 thousand na mga registeres voters sa naturang bansa, subalit sa unang araw ng absentee voting ay kakaunti lamang ang pumunta upang bumoto.

Napansin naman ng embahada ng Pilipinas sa Dubai na mas marami ang bumoto sa unang araw ng absentee voting noong 2016 Presidential Election kumpara ngayong 2019 midterm election.

Ayon kay Consulate General Paul Raymond Cortes, nagpasya sila nanpaabutin hanggang alas nueve ng gabi ang botohan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga may trabaho na makaboto.

“ Since open pa naman kami hanggang gabi, sana pumunta sila at mag-cast ng mga votes nila, pero dahil midterm elections ito at statistically mas marami talaga ang bumoboto sa Presidential elections,” anyaya ni Consolate General Mr. Paul Raymond Cortes.

Sa kabila naman ng sistematikong proseso sa unang araw ng overseas absentee voting, marami ang hindi naka nakaboto sa Singapore dahil sa iba’t ibang dahilan.

May mga nakaiwan ng identification card kaya’t hindi pinahintulutang makaboto at mayroon ding nalito sa proseso ng postal voting kung kaya’t minabuti na lamang bumiyahe upang personal na makaboto sa embahada. 

“Kasi nag-google ako through email kasi yung employer ko pabago-bago ng isip parang ayaw nya kong payagan mag day off o lumabas tapos ngayon sabi nya pwede na daw ako tapos pumunta ako dito sa embassy tapos abi nga na nasend na daw yung voting paper ko sa bahay. Tapos isesend ko nalang sa post office,” wika ng OFW na si Florabelle Buitre.

Samantala, postal voting o sa pamamagitan ng mail ang mangyayaring botohan sa karamihan ng mga bansa sa Europa, Canada atam America na matatapos rin hanggang May 13.

(Mon Jocson | UNTV News)

Tags: ,