Ilan pang kumpanyang umano’y sangkot sa investment scam, sinampahan ng reklamo sa DOJ

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 3468

INVESTMENT-SCAM
Muling naghain ng reklamo ang Securities and Exchange Commission o SEC sa Department of Justice laban sa ilang korporasyong sangkot umano sa isang investment scam.

Paglabag sa SEC Regulations Sections 8 at 28 o ang kawalan ng rehistro ang kakaharapin ng Hyper Program International Direct Sales and Trading Corporation, HPI Direct Sales and Trading Corporation, Hyper Program International Holdings Corporation at Business Icon Premier Trading Incorporated

Ang mga naturang kumpanya ay sangkot umano sa direct selling ng mga beauty product kung saan nang-eenganyo sila ng mga investor sa pamamagitan ng social media at nangngakong maibabalik ang kita sa loob lamang ng 30-45 na araw

Nasa walumpung indibidwal na ang nagreklamo laban sa mga nabanggit na kumpanya.

(UNTV NEWS)

Tags: ,