5 barangay sa Nueva Ecija, isinailalim sa state of calamity dahil sa pamemeste ng army worms sa mga taniman ng sibuyas

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 2322

GRACE_SBUYAS
Isinailalim na sa State of Calamity ang limang barangay sa bayan ng Sto. Domingo Nueva Ecija dahil sa pamemeste ng harabas o army worms sa mga taniman ng sibuyas.

Ang mga ito ay ang Barangay Dolores, San Agustin, Concepcion, San Fabian at San Francisco.

Ayon kay Mang Teody halos walang natira sa isang ektarya ng taniman niya ng sibuyas na sinalakay ng mga uod.

Ganito rin ang nangyari sa sibuyasan ni Aling Sonia kaya humihingi na siya ng tulong sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Leonido De Guzman, mahigit apat naraang ektarya ng taniman ng sibuyas na nagkakahalaga ng mahigit isandaan at limampung milyong piso na ang naapektuhan ng army worms.

May calamity fund naman sila para sa mga apektadong magsasaka ngunit hindi pa nila maibibigay lahat ng binhi ng sibuyas.

Humihingi na rin dagdag na tulong ang alkalde sa national government para sa mga naapektuhan ng peste.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,