Ginugunita ngayong araw sa buong Pilipinas ang ika-apat na pu’t limang anibersaryo ng martial law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Nilagdaan umano ang Proclamation 1081 at nagkaroon ng bisa noong September 21, 1972. September 23,1972 nang pormal itong ianunsyo at ipatupad sa pamamagitan ng isang television broadcast.
Ayon sa mga historian, ito ang pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas dahil sa dami ng mga paglabag sa mga karapatang pantao na nagawa sa ilalim ng batas-militar.
Kasabay ng komemorasyon ng martial law, isang malawakang kilos-protesta ang isasagawa ng mga militanteng grupo sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ideneklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw na ito bilang National day of protest at kinansela ang pasok sa mga pampublikong paaralan sa bansa kasama ang mga state universities and colleges.
Suspendido din ang pasok sa mga government offices mula sa local hanggang national level na nasa ilalim ng executive department.
Tags: dating Pangulong Ferdinand Marcos., martial law., Pilipinas