Ika-3 petisyon upang utusan ang Comelec na mag isyu ng voter’s receipt sa darating na halalan, inihain sa Korte Suprema

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1275

SUPREME-COURT
Isang panibagong petisyon naman ang inihain kahapon sa Supreme Court ng PDP-LABAN upang utusan ang Commission on Elections na gamitin o i-activate ang security features ng Vote Counting Machines partikular ang voter’s receipt o voter verified paper audit trail

Ayon kay Atty. Ted Contacto, mahalagang mag-isyu ng resibo ang mga makinang gagamitin sa halalan upang matiyak na valid ang boto at nabilang ito ng tama.

Hindi aniya katanggap tanggap anoman ang idahilan ng Comelec dahil malinaw sa automated elections law dapat may safety features ang mga Vote Counting Machine at isa na rito ang pag iisyu ng voter’s receipt

(UNTV NEWS)

Tags: , ,