Ika-115 taong anibersaryo ng police service, pinangunahan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa

by Radyo La Verdad | September 6, 2016 (Tuesday) | 1264

DANTE_ANIBERSARYO
Pinangunahan ni PNP Chief Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang ika-115 anibersaryo ng police service sa Police Regional Office Nine Camp Abendan, Zamboanga.

Kasama sa mga dumalo sina AFP WESTMINCOM Commandee LtGen. Mayoralgo Dela Cruz, ibang matataas na opisyal ng AFP, PNP at mga lokalna opisyal sa Zamboanga Peninsula.

Kabilang sa sentro ng pagdiriwang ang pagbibigay ng mga commissioned, non-commssioned police personnel, civillian employees at mga police offices.

Hinirang na best provincial police office ang Zamboanga Del Norte, city police office ang Zamboanga City, habang ang best municipal police ang Sindangan Municipal Police.

Pinasalamatan ng Chief PNP ang lahat ng mga kapulisan, private individuals at local government officials sa kanilang serbisyong naiambag para sa mga mamamayan.

Partikular na rito ang paglaban sa iligal na droga na ayon sa PNP ay malaki ang nagawa nito upang bumalik ang tiwala ng taumbayan sa pambansang pulisya.

Napaiyak din ang Chief PNP nang tanggapin ng isang ina ng isang police awardee ang parangal nito na napatay habang nagsasagawa ng operasyon kontra droga.

Muling binigyang diin ni Dela Rosa na dapat gawin ng mga kapulisan ang kanilang tungkulin alinsunod na rin sa mandato ng Pangulong Duterte na labanan ang kriminalidad o droga.

Nagbabanta din ang Chief PNP sa kanyang mga tauhan sa region nine na posibleng sangkot pa rin sa illegal drugs.

Positibo ang Chief PNP na magagawa ng pulisya ang kanilang pangunahing layunin ang sugpuin ang krimen at droga sa bansa.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: ,