Iba’t-ibang Disaster Unit sa Calabarzon Region, pinarangalan ng OCD Reg. 4A

by Radyo La Verdad | August 25, 2017 (Friday) | 2115

Batid ng Office of Civil Defence Region 4A ang sakripisyo ng mga kasapi sa disaster unit magmula sa barangay hanggang sa provincial level sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.

Bunsod nito, taon-taon ay binibigyan nila ng parangal ang mga disaster unit na nagpakita ng kanilang husay at kahandaan sa pagresponde sa iba’t-ibang sitwasyon.

Nanguna ngayong taon sa  Gawad Kalasag Award ng OCD 4A ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Council, gayundin ang Batangas City DRRMC, Carmona at Ternate Cavite naman sa municipality level.

Binigyan din ng plaque of commendation ng OCD ang UNTV dahil sa ambag ng himpilan sa pagbibigay ng mabilis at tamang impormasyon sa publiko  tuwing may banta ng sakuna.

Gayundin sa suporta ng Public Service Channel upang maisakatuparan ang mga programa ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.

Hinikayat naman ng Office of Civil Defence Calabarzon 4A ang publiko na laging maging handa at makiisa sa mga disaster drill ng pamahalaan.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,