5 bagong opisyal sa CALABARZON Region, na-promote

by Radyo La Verdad | January 10, 2018 (Wednesday) | 3676

Isang blessing para sa buong CALABARZON Region ngayong taong 2018 ang pag-apruba ng National Headquarters ng Philippine National Police sa kanilang rekomendasyon na mapromote ang kanilang limang opisyal.

Kabilang sa mga na-promote ay sina:

  1. PSupt. Alvin R. Consolacion
  2. PSupt. Romulo A. Albacea
  3. PSupt. Franco Allex M. Reglos
  4. PSupt. Rafael P. Torres
  5. PSupt. Von June B. Nuyda

Ayon sa Regional Director ng PRO4A na si PCSupt. Ma. O Aplasca, pawang karapat-dapat sa promotion ang mga opisyal sa kanilang tungkulin at hindi ito bunga ng palakasan system.

Aminado si Chief Supt. Aplasca na mayroong mga matataas na opisyal ng pulis sa Campo Crame at mga pulitiko sa CALABARZON ang lumapit sa kaniya upang pagbigyan ang kanilang mga rekomendadong mga pulis ngunit hindi niya umano ito pinagbigyan.

Nakatakdang pumalit bilang mga Chief of Police ang mga newly appointed officers sa mga hepe sa cities and Class A municipalities na hindi aniya gumaganap ng maayos sa kanilang mga tungkulin.

Samantala, tiniyak din ni Aplasca na  mas paiigtingin pa nila ngayong taon ang internal cleansing sa kanilang hanay.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,