Pen is mightier than the sword, ito ang nais iparating ng iba’t-ibang consumer groups sa mga mambabatas sa pangangalap nila ng isang milyong pirma.
Ayon kay Emmie de Jesus ng Gabriela Women’s Partylist, sapat aniya ito upang kilusin ang Kongreso na pakinggan ang hinaing ng mga nasagasaan ng TRAIN Law ng administrasyong Duterte.
Kaalinsabay ng nasabing signature campaign, maghahain naman ng panukalang batas ang Makabayan Bloc sa Kamara upang i-repeal o repasuhin ang TRAIN Law.
Ayon kay Congressman Carlos Zarate ng Makabayan bloc, hindi naman lahat sa TRAIN Law ay kanilang tinututulan.
Samantala, ipinagkibit balikat lamang ng Malacañang ang naturang hakbang ng Makabayan bloc.
( Rajel Adora / UNTV Correspondent )
Tags: consumer groups, duterte, TRAIN Law