Duda ang Malacañang sa inilabas na survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan nanguna si Davao city Mayor Rodrigo Duterte bilang presidentiable sa 2016 National Elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang mga tanong sa naturang survey ay hindi katulad ng mga tanong sa karaniwang survey.
Sa inilabas na survey, binanggit ang pangalan ni Duterte sa mga pagtatanong na hindi gaya ng karaniwang hinahayaan ang mga respondent na siyang pumili at maglagay ng pangalan na gusto nitong iboto bilang presidente.
Dagdag pa ni Lacierda, kinomosyin din aniya ng isang pribadong grupo ang naturang survey.
“Since it’s privately commissioned, there’s a — the question itself already presents the name of Mr.Duterte. The usual survey of SWS would be an agnostic question. There will be no mention of names.” ani Lacierda.
Hindi naman aniya nababahala ang Malacanang kahit mababa pa rin sa survey si Mar Roxas na standard bearer ng administrasyon dahil ang pinakamahalaga pa rin aniya ang resulta ng halalan sa susunod na taon.
(Jerico Albano/UNTV Radio Reporter)
Tags: Malacañang, Mayor Duterte, SWS survey