Ipinatawag ng NDRRMC ang mga member agencies nito upang pag-usapan ang mga ginawang paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaan simula ngayon byernes hanggang lunes.
Inaasahan ang malaking volume ng mga tao at mga sasakyan na uuwi sa mga probinsiya lalo na sa mga terminal ng bus, paliparan, pantalan, sementeryo at mga commercial area.
Inatasan ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Alexander Pama at Defense Sec. Voltaire Gazmin ang mga ahensya ng pamahalaang ipagbigay-alam sa publiko ang lokasyon ng kanilang safety operation teams para sa mga magbibiyahe ngayong weekend.
Nakataas na ang alerto ng mga pangunahing ahensyang nangagalaga sa seguridad tulad ng Philippine National Police and Armed Forces of the Philippines.
I-aalerto na rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa disaster risk reduction lalo na sa metro manila.
Samantala, pansamantala munang sinuspinde ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang number coding nito simula October 30 hanggang November 1.
Ibabalik ang number coding scheme sa lunes subalit exempted ang mga provincial bus dahil sa inaasahang pagbalik ng mga tao sa kamaynilaan galing sa mga probinsya.
Tags: Defense Sec. Voltaire Gazmin, NDRRMC Executive Director Undersecretary Alexander Pama